Hawak ko ang kinabukasan
At wala akong dapat katakutan
Kahit masaktan man at masugatan
Alay ko buhay kopara sa katarungan
Yo! Abra
Isinilang sa mundo punong puno ng pagdurusa
Unang pagtanglaw ng ilaw may tumutulo na dugo sa
'King mga kamay panay aray lang upang ibigay
Ang buhay ko na may kasabay pa ng luha ni inay
Dun ko nalaman na ibig sabihin
Kung pa’no mabuhay para sa iba
Tulungan sila na walang gustong kapalit
Lalo na kung may naaapi na At sa kabila ng mga pagsubok ay napiling pahalagahan
Ang aking mga kababayan
Imbis na isipin ang sariling kapakanan
Talagang palaban, sa anuman na hamon ay ayaw tumanggi
Taas noo, banat buto, kapag dugong kayumanggi
Mula pa noon hanggang ngayon
Taglay ang purong kagitingan
Di mapipigilan ang alab ng puso at isipan
Kapangyarihang batay sa kabutihang loob
Kahit tamaan ng kidlat kayang takutin ang kulog
Kwento ng buhay ko ay mapusok,
Iba’t ibang tema na ang tinumpok
Aakyatin ang bundok hanggang dun sa tuktok
Bago 'to malagyan ng tuldok kasi…
Hawak ko ang kinabukasan
At wala akong dapat katakutan
Kahit masaktan man at masugatan
Alay ko buhay ko para sa katarungan
Ramdam ko ang aking pagkatao sa bawat tindig
May pwersa na nalilingid sa loob ng aking dibdib
Na nagsisilbing liwanag sa dilim ng daigdig
Para sa bawat dapa handang tumindig
Minsan… napapaisip ako
Bakit andaming naghihingalo?
Masamang panaginip ba 'to?
Imbis na luwalhati laganap ang dalamhati
Umaaraw, umuulan ngunit walang bahaghari
Madalas ay hindi patas ang mga alituntunin
Nagbabakasakaling tukuyin ang aking tungkulin
Na ipaglaban ang karangalan ng mga taong inalipusta
At alagaan ang kayamanan na hindi lamang galing sa bulsa
Dapat bawasan ang katamaran dahil pagkakabigo ang multa
Magkapangalan sa kasaysayan tingalain kahit san pumunta
Talagang subok na, mabilis tumugon
Kapag nakarinig ng saklolo
Kahit na walang utang na loob tila handa pa ding mag-abono
Kasi madaling mabuhay para sasarili lamang
Pero para bang baliwala pag wala nang ibang makikinabang
Sa kapangyarihang dulot ng kabutihang loob
Kahit tamaan ng kidlat kayang takutin ang kulog
Kwento ng buhay ko ay mapusok,
Iba’t ibang tema na ang tinumbok
Aakyatin ang bundok hanggang dun sa tuktok
Bago 'to malagyan ng tuldok kasi…
Hawak ko ang kinabukasan
At wala akong dapat katakutan
Kahit masaktan man at masugatan
Alay ko buhay ko para sa katarungan
Ramdam ko ang aking pagkatao sa bawat tindig
May pwersa na nalilingid sa loob ng aking dibdib
Na nagsisilbing liwanag sa dilim ng daigdig
Para sa bawat dapa handang tumindig
Kahit sino, pwedeng maging bayani
Kailangan lang ng lakas ng loob, tiwala sa sarili
Handang magsilbi sa kapwa nang walang inaasahang kapalit
At para sa’kin… 'yan ang alab ng puso