Di na 'ko papayag mawala ka muli
'Di na 'ko papayag na muli mabawi,
Ating kalayaan kay tagal natin mithi
'Di na papayagang mabawi muli

Magkakapit-bisig libo-libong tao
Kay sarap palang maging Pilipino
Sama-sama iisa ang adhikain
Kelan man 'di na paalipin

Ref:
Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas
Basta't magkaisa tayong lahat
(Mag sama-sama tayo, ikaw at ako)

Masdan ang nagaganap sa aming bayan
Nagkasama ng mahirap at mayaman
Kapit-bisig madre, pari, at sundalo
Naging Langit itong bahagi ng mundo

Huwag muling payagang umiral ang dilim
Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin
Magkakapatid lahat sa Panginoon
Ito'y lagi nating tatandaan
(Repeat refrain two times)

Coda:
Mapayapang paraang pagbabago
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas
Basta't magkaisa tayong lahat!

Comments