Dakilang lahi, na sa 'yong tangi
Pag-ibig ko, Inang Bayan...
Isinumpa ko, o Pilipino
Gagaling ang sugat ng 'yong nakaraan...

[REFRAIN]

Nang pahiran ko luha ng 'yong puso,
Ay natayong muli ang karangalan mo...

[CHORUS]

O, ang pag-ibig ko sa'yo, Inang Bayan...
Ikaw ang siyang dalangin ko sa Diyos kailan pa man,
Kuminang na ang 'yong bituin at sumikat na'ng araw...
Ang kalayaan mo'y sinisigaw
Ang bukas ay tanging sa'yo nakalaan...
Kayumanggi ang kulay ko,
Dugo't pawis inalay ko
Di ka na maaapi, ngayon o kailanman...
Pag-ibig ko sa'yo, Inang Bayan...

II.
Dakilang bayan, kapayapaan...
Dito'y muli mong nakamtan,
Tulad nu'ng araw bago inagaw...
Ang kayamanan mo ang iyong kalayaan...

[REPEAT REFRAIN AND CHORUS]

Bridge:
Kahit na ga'no kaliit ang tinig ko,
Buong lakas akong magtatanggol sa'yo...
Haaa, haaa, haaa...

Ang bukas ay tanging sa'yo nakalaan,
Kayumanggi ang kulay ko
Ang buhay ko'y alay sa'yo
Di ka na maaapi, ngayon o kailanman...
Pag-ibig ko sa'yo, Inang Bayan...

Coda:
Pag-ibig ko sa'yo...
Inang Bayan...

Comments