Album: Paghilom

Dumadaloy sakin
Bawat ilog, lawa at tubig-asin
Dumadaloy sakin,
Sa tinataglay kong lawak ng himpapawid

Makinig sa pahiwatig ng
Makatang galing sa modernong paraan
Hanapin ang sariling ligaw
Sa makitid na daan at pagtanaw
Ang pagmamalay wag na wag pabayaan
Nang makabangon ang perlas ng silanganan
Isip mo at isip ko
Ginintuang sandata ng pagbabago

Tanong ng kababayan:
Paano makakapag-isip ang walang laman ang tiyan?
Sino ang nagsabi
Na siya ang huhubog sa kinakabukasan

Madalas na 'di napapansin
Edukasyon ngayon ay kulang sa diin
Ang ating mga silid aralan,
Ang mga guro nagbebenta na lamang
Pero di ako susuko sa tanong
Pag-asa ko'y kakaibat ng aking dunong
Doon tayo sa malayo tumingin
Mahalin ang bukas na darating

Dumadaloy…
Dumadaloy sa akin…
Dumadaloy sa iyo…

Comments