Nais guminhawa ng bawat tao,
may nagsusumikap may nangloloko
Kahit sa eskuwela ay mapupuna,
mayrong nag-aaral at may nangongopya
Pawis at tubig ay magkaiba,
langit at lupa kung ikokompara
Kay raming tubig lalo nat tag-ulan
ngunit di babaha ng pawis kailan man
Nais guminhawa ng bawat isa,
may gumagawa at may umaasa
Kahit sa pag-awit ay mapupuna,
may orihinal at may nanggagaya
Pawis at tubig ay magkaiba,
langit at lupa kung ikokompara
Kay raming tubig lalo nat tag-ulan
ngunit di babaha ng pawis kailan man

Comments