Album: Katarungan
Ang isip ko'y gulung-gulo 
Sa pook na pinanggalingan ko 
Kailangan kong lisanin 
										
Ang gulo sa aking mundo 
Nais ko'y bagong buhay 
Sa pook na pinakahihintay 
Doon, lahat ay pantay-pantay 
Doon, buhay ay makulay 
CHORUS 
Hum hoh hum 
Olongapo, iba ang kuhay sa Olongapo 
Kahit anong pinanggalingan 
Aking hangad ay magbago 
Olongapo, iba ang buhay sa Olongapo 
Kung kaya kong mabuhay sa 'yo 
Kahit saan kaya ko 
AD LIB 
Walang labis, walang kulang 
Ilang taon man ang iyong gulang 
Basta't husto ang isipan 
Olongapo, bahala na 
BRIDGE 
Pag-asa ko'y makakamtan 
Ligaw na landas iiwasan 
Mayroong kinabukasan na sa akin ay naghihintay 
[Repeat CHORUS] 
[Repeat BRIDGE] 
[Repeat CHORUS]