Album: Samut Saring

Minsang ako ay nag-agahan doon sa bandang Nagtahan
Nang mayrong nagkagulo sa isang tambayan
At ang usap-usapan ay tungkol sa isang holdapan
Sa isang pampasaherong sasakyan

Nang aking nilapitan, tamangtamang naabutan
Ang isa sa biktimang nagsalaysay
At ang bukambibig niyaong mamang nanginginig
Salamat daw at siya'y naiwan pang buhay

Nanakawan na at naholdap si Juan
Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Ngunit ang nagnakaw pa ang pinararangalan

Isang kinsenang kayod, ang pinagpawisang sahod
Ay nahulog sa kamay ng magnanakaw
Pati yung estudyante at aleng mukhang pasyente
At lolong halos di na makagalaw

Relo, singsing at hikaw, pati ngiping natutunaw
Sinimut nuong disenteng lalake
Mabuti na lang daw at mabait yaong mamaw
Sila'y inabutan pa ng pamasahe

Nanakawan na at naholdap si Juan
Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Ngunit ang nagnakaw pa ang kandidato sa halalan

Ngunit minsa'y namukhaan nitong kawawang si Juan
Ang holdaper kanya palang kapitbahay
Malimit mag-abuloy ng abubot at borloloy
Sa tuwing may okasyong pambarangay

Siya ay kwelangkwela sa simbahan at eskwela
Bida kay bishop, kay judge at kapitan
Tauntaon pati ay may medalya at plake
Ang magiting at dakilang kawatan

Nanakawan na at naholdap si Juan
Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Ngunit ang nagnakaw pa ang nananalo sa halalan

Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
At lalong mababaon dahil sa Philippines 2000

Comments