Mula pa noong pagkabata ako ang syang kinukutsa sa tambayan ng mayayabang at my laman ang bulsa habang ang mga katulad ko'y pinipilit na makaahon laging laman ng mga tawanan kailan ba makakabangon sa mga panghuhusga na kanilang mga mata pinilit kong hindi lumuha sa harapan ng iba ginamit ang mga pangil at kahit yan ang sinapit ay di ko mapapayagan tuluyan akong malait at maubusan ng lupang aking pwedeng tapakan aking pwedeng lakaran aking pwedeng tamnan ng mga binhing sa kalaunan ay aking pwedeng maani at aking pwedeng masabi minsan ako ay naghari sa palasyo ng pangarap na aking inaasam walang nakahadlang kahit na my pasan pasan sa bawat letrang sinulat halika ikay sumama sa kapirasong papel na tinuturing kong diploma
Chorus:
Sya ay si gloc 9 taga binangonan rizal isang makatang maririnig sa kahit sa saang lugar at kahit di nkatapos ng pag aaral halika ang tula kong eto ay tinuturing kung diploma
Isang kapirasong papel na pinahiran ng tenta parang larawang ginuhit na ginamitan ng pinta ng isang pintor na inalay ang bawat araw sa buhay upang ang damdamin kanyang mailarawan ng tunay kulay na ang puhunan ay laging patak ng pawis at ang kapalaran ay nakasaad sa mukha ng bayaning inihagis cara o krus ganyan ang buhay ng mga katulad namin mga sa salitang namulat binuhat sagad sa damdamin at handang hanapin at hamakin ang na masabi ko na akin ang araw na narinig ang mga sinulat kong salitang musmus pa lamang ay dinadalangin maranasan ang palakpakan kasabay ng hangin ayokong magtunog mayabang sa awitin na toh pero sabihin mo sa akin kung sino ba sa larangan na toh bukod sa taga antipolong iniidolo ko wala na sigurong sasabay sa awiting kung eto