Album: Sana Maulit Muli
 Sayang ang mga sandaling pinalipas ko
 Naroon ka na, bakit pa humanap ng iba
 Ngayon, ikaw ang pinapangarap
 Pinanghihinayangan ko ang lahat
 
 
 Bakit ba ang pagsisisi laging nasa huli
 Ang mga lumipas ay 'di na maaring balikan
 Sayang, bakit ako nag-alinlangan pa
 Tuloy ngayo'y lumuluha at nanghihinayang
 
 
 CHORUS
 Kung Maibabalik Ko Lang
 Ang dati mong pagmamahal
 Pagka-iingatan ko at aalagaan
 
 Kung maibabalik ko lang
 Ang dating ikot ng mundo
 Ang gusto ko ako'y lagi na lang sa piling mo
 
 
 Ooh, sayang, bakit ako nag-alinlangan pa
 Tuloy ngayo'y lumuluha at nanghihinayang
 
 
 [Repeat CHORUS]
 
 
 Kung maibabalik ko lang
 Ang dating ikot ng mundo
 Ang gusto ko ako'y laging nasa piling mo