Album: 2StepMarv

Sinong may alam
Kung saan ang daan
Patungo sa kanyang isipan

Sa isang halik niya lang
Ako ay pumupunta
Sa mundo na kanyang pininturahan

Sino ka ba?
Ano ang iyong lihim?
Papaano kita mapapaibig? Mapapasakin?

Lahat ng kulay niya
Sabay-Sabay kumakanta
Tumatawag sa atin
Halina

Nauubos lahat ng galit at sama
At ang mundo
Ay napupuno ng pag asa

Comments