Ang mga pagkakataon kami ay nagtatanong
Bakit lagi na lang nasusuong sa matinding mga paghamon
At di ba't kadalasan kapag di mo na makayanan
Pagsubok na sumusukat sa iyong katatagan
Biro lang daw, biro lang daw
Biro lang daw ng tadhana

Biro nga ba ng tadhana na ako'y iwan at umiyak
Biro nga ba ng tadhana na mabitawan mo ako ama
Biro nga ba ng tadhana ang kumakalam na sikmura
Nang mawala man ng tahanan
Biro nga ba ng tadhana

Anumang pagsubok na dumaan
Manalig ka't ito'y ating malalagpasan
Basta't tulong-tulong tayo ay aahon
Sabay sabay na babangon
Haharapin ang hamon

Sama-sama ay kayang-kaya
Ganyan ang iisang KAPAMILYA
At saan man ang bawat tangis
Tumibay ang pananampalataya
Sama-sama, kayang kaya
Iisa tayong KAPAMILYA

Ama, ina, anak, kapatid
Kami'y iyong aming batid
Tibayin ang iyong pananalig
Si Bro ay laging nakikinig
Pagka gayo'y di mababatid
Sa iyo ay mayroong sasagip
Pagmamahal at kalinga ihahagip

Anumang pagsubok na dumaan
Manalig ka't ito'y ating malalagpasan
Basta't tulong-tulong tayo ay aahon
Sabay sabay na babangon
Haharapin ang hamon

Magsama-sama ay kayang-kaya
Ganyan ang iisang KAPAMILYA
At saan man ang bawat tangis
Tumibay ang pananampalataya
Sama-sama, kayang kaya
Iisa tayong KAPAMILYA

Comments