Album: Great Original Pilipino Music

Limang Dipang Taong nagtutulakan
Sa Avenidang aking napagdaanan
Nag-aabang ng masasakyan
Patungo kung saan di ko malaman
Sa aking jeepning sinasakyan
Mayroong natanaw na mama
Sa dinami-raming nagdaraan
Ikaw pa ang nakita, may kasamang dalaga
"Para mama, diyan sa tabi,
Bababa na ako..."
"Para mama, diyan sa tabi,
Heto ang bayad ko..."
"Para na sabi, para na sabi, para na diyan sa tabi..."

Limang dipang taong nagtutulakan
Ang dinaanan ko sa paghabol sa iyo
Sa pagmamadali ay nadapa ako
Sa bangketang kinatatayuan ninyo
Lumapit ka at tinulungan ako
At kita'y tinitigan, mga mata'y nagkabanggaan
Ano ba itong naramdaman?
"Sorry, mama, pasensiya ka na!
"Akala ko'y asawa kita...
"Sorry, mama, pasensiya ka na!
"Sorry at naabala kita...
"Sorry na sabi, sorry na sabi
"Sorry mama at napagkamalan ka!"

Limang dipang taong naguunhan
Sa uunting sasakyang nagdaraan
Sayang ang jeepning kanina'y lulan
At ngayo'y nagsisisi sa aking pagbubusisi
Malaking pagkakamali
"Para, mama, isasakay ko
"Limang dipang taong nauunahan
"Para na sabi, para na sabi,
"Para mama, para na dyan sa tabi."

Comments