Ikaw ang bigay ng Maykapal
 Tugon sa aking dasal
 Upang sa lahat ng panahon
 Bawat pagkakataon
 ang ibigin ko'y ikaw
 
 Ikaw ang tanglaw sa 'king mundo
 Kabiyak nitong puso ko
 Wala ni kahati mang saglit
 Na sa iyo'y may paplit
 Ngayo't kailanma'y ikaw
 
 Ang lahat ng aking galaw
 Ang sanhi ay ikaw
 Kung may bukas mang tinatanaw
 Dahil may isang ikaw
 Kulang ang magpakailan pa man
 
 Upang bawat sandali ay
 Upang muli't muli ay
 Ang mahalin ay
 Ikaw