Album: Tala-Arawan
 Wari ko'y matagal din tayong di magkikita
 Ayoko na tuloy isipin
 na malalayo ka na sa akin
 bibilangin ang mga gabi
 hanggang tayo'y maglutang muli
 Wari ko'y magiging maligaya ka
 Nasan ka man patunga alam mong
 Nandito Ako
 wari ko'y alam mong hahanapin kita
 bawat araw na ikaw ay wala na
 
 Sa yong pamamaalam, dadalhin mong puso ko
 Wari ko'y kita sa king mga mata
 na di ba pareho ang buhay ko
 kung wala ka
 Ngunit tuloy ang ikot ng mundo
 Matagal lang masasanay mabuhay
 na tayo'y magkahiwalay
 Sa yong pamamaalam, dadalhin mo
 ang puso ko
 
 Pikit matang managinip
 Mahahanap mo ako sa isang malalim
 na sulok ng iyong isip