Parang lumilipad, parating pasugod
Sumasalubong sa hangin,
Humahampas sa ‘king mukha
Hindi humihinto, walang nililingon
Hanggang hindi ko pa nararating
Sobrang bilis, sobrang tulin

Minsan nagwawala, laging nawawala
Sayang dahil hindi mababalik
Ang pagkabatang hinahanap
Naamoy ko na, gustong paliparin
Sakay, angkas
Ipepedal ko na ang mahiwagang BMX

Sige! Padyak!
Sige! Andar!
Sige! Sige!

Medyo pinapaltos, medyo kinakapos
Mainit na hithit-buga,
Kinakalawang ang luma
Nung bata kahit ano nagagawa

Comments