Album: Acoustic Lokal 2
 Mahulog man ang langit
 Ako'y mananatili
 Di kita iiwan, kahit bumuhos ang ulan
 
 Magtago man ang araw
 Ikaw ang aking ilaw
 Ang bawat oras na kapiling ka'y wallang hanggan
 At sa 'kin ay wala nang hahadlang
 
 C:
 (Pagkat) ang lahat ko ay ikaw
 Walang ibang isisigaw
 Ang lahat ko ay ikaw
 Sayo'y hindi na bibitaw
 Landas ko'y di maliligaw
 Ang lahat ko ay ikaw
 
 Tumigil man ang himig
 Tuloy pa rin ang awit
 Basta't ika'y kapiling
 Ang puso ko'y maririnig
 At di mapipigil ang pagpintig
 (Chorus)
 
 Bridge:
 Di maaaring maglaho
 Yan ang aking pangako
 Lagi ka sa puso ko
 Kahit tuluyan nang magunaw ang mundo...
 Ang lahat ko ay ikaw
 
 Ang lahat ko ay ikaw