Parang isang gabing walang katapusan
Sa bawat mesa asin lagi ang ulam
Umaalog sa alkansya pisong pinagpawisan
Batang nakahubad kumot ang lansangan

Lupaing kinalbo minsa'y nadidilig
Ng dugo sa away ng kapatid sa kapatid
Sa kalagayang ito tayo ay nakagapos
Parang awa sana ay dito magtapos

Todo na to

Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan

Wag lang maulit kapalarang kay pait
Wag magpabaya wag kang manahimik
Wag kang manlalamang wag kang manggigipit
Wag magkanya kanya magkaisang bisig

Pag malasakit ito'y kabayanihan
Gawin mo ano mang makayanan
Kalagayan ng baya'y sumasama lamang
Kung walang gagawin tayong mamamayan

Todo na to

Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan

Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala't araw
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan

"ipakita natin sa ating mga magulang
Mga kapatid kaya natin to
Isang subok pa sabay sabay na
Walang kokontra todo na to!"

Todo na to

Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan
Bagong simula ng ating bayan

Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan

Bagong simula ng ating bayan!

Комментарии