Sa ilalim ng bughaw na langit
Masiglang baya'y nakaukit
Luntiang paligid yaman ay taglay
Mamamaya'y nagbibigay buhay

Mayaman sa taglay na kultura
Bayan kang sadyang pinagpala
Lumad, Muslim, Kristiyano, lahat sama-sama
Mamamaya'y taglay ang saya

Koro:

Makilala puno ng pag-asa
Bayan kang nagkakaisa
Sa pagsubok di padadaig
Sa Maykapal nananalig

Gobyerno sayo'y naglilingkod
Matapat na serbisyo'y nakalulugod
Ikaw sa lahat ay n
amumukod
Mithing pagbabago ang nagbubuklod

(repeat Koro)

Koda:

Ang himig na ito'y alay sa bayan ko
Kami'y mapitagang nagpupugay sa‘yo..

Комментарии