Paulit ulit ko mang sasabihin sa iyo,
Ang nadarama ng aking puso
Ang pagmamahal ko d' magbabago,
Ito'y laan para lang sa iyo

Alam kong alam mo, ikaw lang nasa puso ko,
Nang dahil sa iyo maligaya ako
Kahit pa sa panahong ito tayo ay magkalayo,
Umaga, Tanghali, Gabi, tanging ikaw ang nasa isip ko

Ikaw ang aking buhay,
Tuwing ako ay nalulumbay
Ikaw ang tangi kong pag-ibig wala ng iba,
Sa aking puso tunay kang nag-iisa

Комментарии