Limang taon pa ang binilang, bago nila ako na tunton
Sa pala tutunan palupitan ng tugma at ng bugtong
Ngayon sa aking paglabas sa pag hawak ng microphone
Taob lahat mga dugyot mula cuneta astrodome
Hanggang sa, umabot ng julo patungo ng maynila
Di mo pa rin kayang sabayan ang lupit at pintig ng aking dila
Sa pag bilang ng mga, katagang walang sumatutal
Hamunin mo ko tignan natin sinong ang mauutal
Naglilimita sa mga kataga makinig ka ako'y pakingan mo
Sa, pamamagitan ng mga labi ni balagtas sa micropono
Graffiti lang ang kaya mo tagal mo na sa hip-hop
Hindi mo kayang sumabay miski man lang sa beat-box
Musika aking linggwahe at ito aking kultura
Di mo kayang matibag mga pinagdikit kong letra
Napamura yung kumanta nung kabet nung narinig ako
Kaya ibabalik ko na sayo Kaya Mo Ba toh?

Chorus:
Kaya mo bang sumabay sa mga salitang binibigay ko?
At, kaya mo bang pumalag sa mga katagang binibigkas ko?
Isasabay ko pangalan ko sa mga batikan FLicK-G
Nagmula sa pamilyang repablikan

Ilan na ba ang nilalang na pinataob ko gamit aking kamay
Lahat ay, pinagulong sa sahig taob gamit aking taglay
Na talentong gamit, ko sa aking pakikisagupa
Di ako tulad mo na madaling mabulok kapag nilapag sa lupa
At, pakingan mo bawat tugma na ilalabas at sabay huminga
Ka ng malalim dahil kahit sumabay ka pa pare yun ay huli na
Ang lahat dahil di mo ko lampasan ang taas ng pangarap mo HOY
Kung pataasan na lamang ang labanan nasa baba ang pangalan mo BOY
Hindi pa sapat ang mga pag bitaw… upang ako'y pabagsakin
Di ako tatangap ng mga banat pag ito'y walang diin
Bigyan ng patid ang bawat kataga sapagkat walang kasing bigat
Kaya mo bang salagin ang mga salitang pagbanat koy warat
Ang lahat ng mga dinaanan sa pagbigay ko ng bira
At para ka lang isang pang putusan na kulang pa sa pulbura
Ang mga liriko na nilabas mo ay akin na lamang nginangaratan
Subukan mong kalabanin ng malaman mo na luluhod ka saking harapan

Ako'y namulat sa kulturang talastasan ang laro
Mula noon dinudurog sa balagtasan ang bano
At, mga katungali na hindi makasabay kapag ako'y tumira
Ng mga kataga pag akoy tumugma parang apoy tinira
Sa pagliran ng tugmang hindi mabilang ang mensahe
Ilan, na ang nasapul sakin gabi gabi lang pag atake
At sino ba ang nakatayo na natirang matibay
Sa laro na kung tawagin ko ay matira matibay
Sino matikas ang dibdib [?] halika dito babatukan ko
At ibabaon ang mo na babalutan ko
Ng nagbabagang katagang malalim pa sa dagat
Tugma sa akin rima na nangaling pa sa apat
Na elementong tinuring kong sandata saking dila
At ang, mga sumbat kapag bumanat ay wala ng tila
Ang, lahat ng mga itinumba sa mga kanta na naisulat
Gano ka lalim ang dulot ng letrang aking naisugat

Istilo ng pag banat ko hindi mo ba masabayan
Sapul ka ng todo tanong ko pare may pasa ba yan
Ng bumaon ang tira ko at tumagos hanggang buto
Sige itong, isa pa sa pagdura ko sangain mo to
Mga katagang pulido at naka paikot
Wala ka pa sa kalahati ng aking inikot
Mga daan na matarek at matusok na landas
Kaya mo bang sabayang higitan aking sulidong antas

Комментарии