Из альбома: Anak
Problema na naman 
Suyang-suya na ako 
Nananakit na ang tenga ko 
										
Sa kaseselos mo 
Problema na naman 
Lagi kang nakabantay 
Wala ka nang patawad, giliw 
Maging sa kaibigan 
CHORUS 1 
Ako'y umaalis ng bahay upang kumayod 
Maghapong nasa gawain, sangkaterba ang pagod 
Pagdating ko sa inyo, tuhod ko'y nangangatog 
Sa tuwing kita'y dinadalaw, ngiti mo ay manggang hilaw, mukha mo'y nakasimangot 
Problema na naman 
Lagi na lamang ganyan 
Sadyang wala na bang katapusan 
Ang hirap ko sa buhay 
CHORUS 2 
Kapag tayo'y namamasyal, lagi kang nangungurot 
Kapag meron akong natitigan, puso mo'y nadudurog 
Sadyang mahal kitang tunay, 'yan ay 'di ko malilimot 
Ngunit kapag laging ganyan, palagi kang nang-aasar, ako'y nabubugnot 
[Repeat 1st Stanza] 
[Repeat 3rd Stanza] 
Sadyang wala na bang katapusan 
Ang hirap ko sa buhay 
Problema na naman 
Problema na naman 
Lagi na lamang ganyan