Andiyan ka na naman
Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag
Nadarang nanaman sa'yong apoy
Sa mundong kinagagalawan

'Wag hahayaang
Magaya sa iba
Kawalang-sala

May lakad ka ba mamaya?
Puwede ka ba makasama sa pag-gagala
Kung sakaling 'di ka puwede
Sabagay, meron din akong ginagawa
Siguro nga napapaisip ka
Ba't ako nangangamusta
Ilang araw ka nang naroon sa panaginip ko
Nag-aalala lang ako baka sa'n ka mapunta
Pero mukhang ayos ka naman
Kahit 'di na kita abalahin pa
Ilang ama namin pa ba ang dapat
Para patago kang mag-alala sakin (uh)
Habang pinapantasya lamang nila
Ay mascara mo sa gabi At
Pitaka mo sa umaga
Yung "ikaw" sa likod ng kolorete
Pa din ang nangangahulugan
Sa salitang "paraiso" para sakin

'Wag hahayaang
Magaya sa iba
Kawalang-sala [x4]

Halika na't
Tuklasin
Ang mundong puno
Ng isip hangin

May lakad ka ba mamaya
Sana madaanan mo ko pagkatapos
Sabihin mo ngayon ako'y makaka-asang
Dito ka dadalhin ng iyong sapatos
Kung ngayong gabi lang naman ang magiging dahilan
Ay handang-handa padin naman ako mamaos
Nakakaluwag ka man ay sa mas
Nakakalibang na paraan kita tutulungang makaraos
Bakit ka nagparamdam
Siguro 'di na kayo nilanggam
Ba't kaya 'di niya alam
Ang iyong halaga't kung ga'no ka kalinamnam
Iniwasan ko ma'ng matakam nang di halata
Ang hirap na magpabaya
Kapag tawag na ng laman ay nagbadya
Makipaglangit-lupa ng walang taya

'Wag hahayaang
Magaya sa iba
Kawalang-sala

Andiyan ka na naman
Ba't di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag
Nadarang nanaman sa'yong apoy
Sa mundong kinagagalawan

Andiyan ka na naman
Ba't di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag
Nadarang nanaman sa'yong apoy
Sa mundong kinagagalawan

'Wag hahayaang
Magaya sa iba
Kawalang-sala

Комментарии