Из альбома: RapPublic of the Philippines, Vol. 1
 Simula ng makilala ka ako ay laging masaya
 Para bang ang buhay ko'y nagkaroon ng sigla
 At dahan-dahang napapawi ang mga problema
 Alam mo kapag kasama ka ngiti ko'y hanggang tenga
 At ang puso ko'y tumatalon sa sobrang tuwa
 Kapag kausap ka ligaya ang nadarama
 Lungkot nababwasan kapag kapiling ka
 Liwanag ka sa akin dalisay sa damdamin
 Busilak sa katapatan kung iyong aarukin
 Pagkat ikaw sa akin ay napakahalaga
 Ihalintulad mo man sa iba ika'y walang kawangis
 Pag-ibig kong ito taos puso't labis labis
 Kaya kahit na ako ay magmukhang tanga
 Ok lang yon dahil two times mahal kita
 Lahat ay gagawin para ika'y sumaya
 Alang-alang sa yo buhay ko'y itatayaChorus:
 Dadalhin kita sa king palasyo
 Dadalhin hanggang langit ay manibago (2x)
 Nakatatak ang pangalan mo sa king dibdib
 Larawan at pagibig mo dito nakaukit
 Saksi ko ang langit ibon ang aawit
 Sa ating pagsasama na walang kasing lupit
 Iyong mababatid ika'y mananaig
 Sa puso kong ito maging sa aking panaginip
 Para malaman mo lang na minamahal kita
 Kase mas mahalaga ka pa sa buhay ko sinta
 At pipilitin kung tatawirin ang alambre
 Hihiga sa lubid at sayo'y magsisilbi
 At kahit na gawin mo pa akong isang alipin
 Bilang tagapagsunod aking susundin
 Ang mga iniutos mo aking gagawin
 Kahit na ito'y mahirap kahit na ikasawi
 Para lang sa yo lahat ay magagawi
 
 Repeat Chorus
 
 Para lang sayo ang pagibig kong ito
 Maging ang buhay ko iaalay ko sa yo
 Puso at isipan ang syang maggagabay
 Sa iyo kahit saan ka man maglakbay
 Ako ay lagi na nasa iyong tabi
 Hindi mawawala umaga man o maging gabi
 Ako ang syang magsisilbing saklay
 Sa paglakad mo ako ang magaalalay
 Dahil Mahal Kita di ka masusugatan
 Sa bawat hakbang kamay mo ay hahawakan
 Kahit maging tinik man ang ating lalakaran
 Bubuhatin kita upang hindi ka magalusan
 Di bale na ako wag mo kong intindihin
 Dahil para sa yo walang imposible para sa akin
 
 Repeat Chorus 2x