Gatilyo:

Ang ating bayan
Kailan 'to kakalag sa pagkagapos
Halos lahat tayo
Alipin ng Pagkahikahos
At tapos
Lahat tayo ay pawang biktima
Ng ating mga gawang
Katumbas ay labing-lima

Insolent One:

Kaming mga kabataan
Ay Waring nakakulong
Di naman kami adik
Ngunit bakit parang lulong
Sa binubuga ng pabrikang
Dulot ng pagkalason
At maitatama mo pa ba
Ang naganap kahapon?

Lil-Dex:

Hindi namin makita
Ang tunay na simbulo
Ang pagmamahal sa
Kalikasan ba ay sing-gulo
Ng isip ko't isip mo
Ng isip nating lahat
Sinong dapat na sisihin
Di ba't tayo ring lahat

Chinito:

Tayo rin ang responsable
Sinong irresponsable
Bakit itong posible
Ay naging imposible
Kailan ka ba kikilos
Para maisalba
Kailan magwawakas
Ang bumabalot na kaba

Lhaydie Wish & Lhaydie Yuriko:

Wala na bang katapusan
Puro hirap ang ating nararanasan
Kapaligiran
Patuloy pang mawawasak
Ano ang gagawin
At kanino dapat umasa
Wala na bang katapusan
Puro hirap ang ating nararanasan
Kapaligiran
Patuloy pang mawawasak
Ano ang gagawin
At kanino dapat umasa

Radikal:

Pagmasdan ang yong paligid
Sa Sulok at sa gilid
Abot na ang baha
Hanggang dito sa aking litid
Kay daming nanalasa
Ang daming namihasa
Magtapon ng basura
Bakit di na nadala sa

Gatilyo:

Mga nasalantang
Wala nang Masilungan
Ilang bagyong Ondoy pa ba
Ang dapat magsibulan
Muli ay mangwawasak
Buong kamaynilaan
Kapag may namatay
Biglaan kang panghihinaan
Ng loob,
Animo'y binabalot ng bagabag
Inanod ang lahat
Ang natira na lang ay papag
Ito ay nagmula pa
Sa ting mga ninuno
Ang aral na itinawid
Sa ting mga pinuno

JhoMajikero:

Putulin pa ang puno
Sinong nagpasimuno
Ito ang pangungusap kong
Parang walang sumuno
Parang isang krimen
Di mahanap ang hustisya
Walang ibang kasangkot
Kundi ang mga pulisya

Lhaydie Wish & Lhaydie Yuriko:

Wala na bang katapusan
Puro hirap ang ating nararanasan
Kapaligiran
Patuloy pang mawawasak
Ano ang gagawin
At kanino dapat umasa
Wala na bang katapusan
Puro hirap ang ating nararanasan
Kapaligiran
Patuloy pang mawawasak
Ano ang gagawin
At kanino dapat umasa

Radikal:

Nagtatapon sa paligid
Ng iba't ibang basura
Ilibot mo ang iyong mata
Ano na bang itsura
At itim pa rin ang ilog
Di na nabalik sa dati
Di na magbabago 'to
Idaan man sa debate

Chinito:

At tirik pa rin ang lupa
Na gumuho dun sa Baguio
Walang ibang balita
Dyan sa tv at sa radyo
At maging sa mga dyaryo
Ano ba ang sinasabi
Ang kalamidad na to
Totoong napaka-grabe

Insolent One:

At anong matututunan
Nating aral sa ting dinanas
Papayag ka pa ba
Na sa anak mo iparanas
Itong mga gawaing
Nagdulot ng depekto
At kanilang manahin
Ang sampu nitong epekto

JhoMajikero:

Sigaw ng kalikasan
Naririnig mo ba
At humihingi ng tulong
Nakikinig ka ba
Wag na nating hintayin
Na ang Dios pa ang maningil
Ng mga paggawang labag
Sa kanyang mga paningin

Lhaydie Wish & Lhaydie Yuriko:

Wala na bang katapusan
Puro hirap ang ating nararanasan
Kapaligiran
Patuloy pang mawawasak
Ano ang gagawin
At kanino dapat umasa
Wala na bang katapusan
Puro hirap ang ating nararanasan
Kapaligiran
Patuloy pang mawawasak
Ano ang gagawin
At kanino dapat umasa

Lhaydie Wish:

Kailan pa ba
Mabibigyan ng kasagutan
Kung bawat tao ay
Nagkakasala sa ating lipunan

Lhaydie Yuroko:

Kailan pa ba
Makakaranas ng ginhawa
Kung ang bawat isa'y
Walang pagmamahal sa kapaligiran

Lhaydie Wish:

Kailan pa ba
Mabibigyan ng kasagutan
Kung bawat tao ay
Nagkakasala sa ating lipunan

Lhaydie Yuroko:

Kailan pa ba
Makakaranas ng ginhawa
Kung ang bawat isa'y
Walang pagmamahal sa kapaligiran

Lhaydie Wish & Lhaydie Yuriko:

Wala na bang katapusan
Puro hirap ang ating nararanasan
Kapaligiran
Patuloy pang mawawasak
Ano ang gagawin
At kanino dapat umasa
Wala na bang katapusan
Puro hirap ang ating nararanasan
Kapaligiran
Patuloy pang mawawasak
Ano ang gagawin
At kanino dapat umasa

Комментарии