Maraming araw sa ating buhay
Ang hinahanap may kalayuan
Di man tanaw, di nauubusan
Ng tiwala sa sarili't
Lakas ng dasal

Alam sa dulo ng bawat taon
Naghihintay ang masayang panahon
(Pinapawi) lahat ng lumbay
(Pangungulila) at paghihintay

Ang damdamin ay tumatawid
Sa lupa, sa dagat, o sa langit
Mainit na palad sa gabing malamig
Pinaglalapit ng pag-ibig

Ito ang Pasko
Pagmamahal ang pinagsasaluhan
Ito ang Pasko
Inaangat ang isa't-isa
Ito ang Pasko
Panginoon ang laging kasama
Ito ang Pasko
Saan man sa mundo
Da best ang pasko ng Pilipino

Anumang pinagdaanan, may kabigatan
Wala naman tayong di nakayanan
Nasaan ka man, walang maiiwanan
Ang bawat isa ang ating tahanan

Ang damdamin ay tumatawid
Sa lupa, sa dagat, o sa langit
Mainit na palad sa gabing malamig
Pinaglalapit ng pag-ibig

Ito ang Pasko
Pagmamahal ang pinagsasaluhan
Ito ang Pasko
Inaangat ang isa't-isa
Ito ang Pasko
Panginoon ang laging kasama
Ito ang Pasko
Saan man sa mundo
Da best ang pasko ng Pilipino

Lumalaki ang bawat puso
Lumalalim ang pagsasama
Sa pinakamahaba, pinakamasayang Pasko
Sa mundo

Ito ang Pasko
Pagmamahal ang pinagsasaluhan
Ito ang Pasko
Inaangat ang isa't-isa
Ito ang Pasko
Panginoon ang laging kasama
Ito ang Pasko
Saan man sa mundo
Da best ang pasko ng Pilipino

Ito ang Pasko
Pagmamahal ang pinagsasaluhan
Ito ang Pasko
Inaangat ang isa't-isa
Ito ang Pasko
Panginoon ang laging kasama
Ito ang Pasko
Saan man sa mundo
Da best ang pasko ng Pilipino

Da best ang Pasko
Ng Pilipino

Комментарии