Nalimot mo na ba?
Nang minsan kong ulit-ulitin mahal pa rin kita
Lagi na lang ganyan
Sa tuwing kailangan mong muli ay saka lang lalapitan
Ilang ulit na kayang nagmumukhang tanga sayo at
At naiwang nagiisa
Parang kahapon lang
Sinasabay na naman ang luha
Sa buhos ng ulan
Mag- aabang akong
Malunod ang mundo
Bakit ba anong kulit at pilit kong binabalik ang
Alaala mong hiram sa panahon
Kahit na isang saglit ay itigil ang oras ng sandali at
Limutin ang ngayon
Maibalik lang ang kahapon
Pagbibigyan kaya
O maririnig ko lang sayo na
Wag na lang, saka na lang
Wala ng dahilan, lalayo na lang ako ng
Di na masaktan
Magtitiis akong
Ulila sa iyo
At kahit na sa alaala ay di ka na
Makakasama
Maghihintay ako
Sa pagkakataon
Ang yakap at iyong halik ay
Pilit kong ibabalik ang
Alaala mong hiram sa panahon
Kahit na isang saglit ay itigil ang oras ng sandali
Limutin ang ngayon
Maibalik lang ang kahapon
Ipapaalala ko sayo