Из альбома: Mtb
 Di ko akalang magagawa mo sa 'kin to
 Matapos ko maibigay ang lahat-lahat sa 'yo
 Iniwan mo akong nag-iisa't nagdurugo
 Kinabukasan kaya'y mabubuhay pa ako
 
 BRIDGE:
 Pakingan mo'ng aking awitin
 Inaalay lamang sa 'yo
 Sinaktan mong aking damdamin
 Nguni't di mo na sana sinaktan ang puso ko
 
 REFRAIN 1:
 Sinaktan mo ang puso ko
 Sinaksak mo ng kutsilyo,
 Binuhusan mo ng asido, pinukpok ng martilyo
 
 CHORUS:
 Sinaktan mo ang puso ko
 Ngayon ako'y naghihingalo
 Mauubusan na 'ko ng dugo
 Sinaktan mo ang puso ko
 
 Naaalala mo pa ba nu'ng nagsasama pa tayo
 Nilalagyan mo ng bubog
 Ang palaman ng tinapay ko, Manonood ng sine,
 Isang linggong naghintay sa'yo
 Sabi mo traffic ka lang, naniwala naman ako
 
 (Repeat Bridge)
 
 REFRAIN 2:
 Sinaktan mo ang puso ko
 Nilagyan mo ng turnilyo
 Sinunog mo ng posporo, hinampas mo ng tubo
 
 (Reapeat Chorus)
 
 Ba't di mo ka'gad sinabi sa 'king
 Di mo na ako gusto
 Nakuha mo pa akong ipakagat sa aso n'yo
 Sinisiraan mo 'ko sa harap ng magulang mo
 Yung manananggal sa Sampaloc,
 Ang sabi mong kapatid ko
 
 (Repeat Bridge)
 
 REFRAIN 3:
 Sinaktan mo ang puso ko
 Kinaskas mo ng Sipilyo
 Tinaktakan ng Ajinomoto, ipinakian sa aso
 
 (Repeat Chorus)
 
 REFRAIN 4:
 Sinaktan mo ang puso ko
 Tinagpas ng jungle bolo
 Pinang-linis mo ng banyo, dinikdik mo ng maso
 
 (Repeat Chorus)
 
 CODA:
 Sa makakarinig nito,
 Please lang,
 Pakibalik ang puso ko.