Ooh la la la la hooh
 Simple lang ang porma ng pag-ibig ko
 Punong-puno ng pulang rosas na mababango
 Nag-aawitan mga ibong sa langit
 Bawal masungit, bawal din ang pangit
 
 O, lumilipad ang damdaming ito
 Tinatangay ng hangin tungo sayo
 Giliw ko
 
 Simple lang talaga
 Walang halong bola at walang drama
 Buksan mo lamang ang iyong puso
 At tutuloy ako
 
 Kung ikaw ang magiging reyna ko
 Ang kaharian mo ay pagmamahal ko
 Swabeng-swabe at dalisay
 Bahagharing punong-puno ng kulay
 
 Simple lang
 Buksan mo lamang.
 Tuloy, tuloy-tuloy, tuloy ako
 Simple lang ahh