Из альбома: Tala-Arawan
 Wag ka nang umiyak, sa mundong pabago-bago
 Pag-ibig ko ay totoo
 Ako ang iyong bangka, kung nagalit man
 Ang alon ng panahon, sabay tayong aahon
 
 Kung wala ka nang maintindihan
 Kung wala ka nang makapitan
 Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
 Di kita bibitawan
 
 Wag ka nang umiyak, mahaba man ang araw
 Uuwi ka sa yakap ko
 Wag mo nang damdamin kung wala ako sa 'yong tabi
 Iiwan kong puso ko sa yo
 
 At kung pakiramdam mo'y wala ka nang kakampi
 Isipin mo ako dahil puso't isip ko'y
 Nasa 'yong tabi
 
 Kapit ka, kumapit ka