Pumasok sa gangsta sa edad kong 14 years old
Tinanggap ang 13 seconds massacre mata'y blindfold
Halos sumabog ang shoulder tiklop ko parang folder
Hindi naman soldier, pero ang war is not over
Akin burn ay forever nasa magkabilang daliri
Mga tusok ng karayom marka ang nananatili
Alam kong mali, pero buhay ko ko dito naging makulay
Bala ang alay sa aming mga kaaway
Ang mawawalay sa minamahal ako'y nakahanda na
Machempuhang Kalaban ang edad ihihinto na
Pero teka muna, ito ba'y katotohanan
Mabigat ang katanungan ano ba pinaglalaban
Ng dahil ba sa gang ang buhay mo'y isasakripisyo
Kahit alam mong hahantungan kulungan o nitso
Ang peligro at banta sa buhay namin ay likas
Bawat luha na papatak bala ang katumbas
[*]
Gusto mo ba na sumama
Sa mundo na madrama
Na may halong lungkot, saya at may kaba
Bala ang pang tubos sa sala ng iba
Ang kaligtasan sa isat-isa inasa
Yan ang buhay ng gangsta
Buhay ng gangsta
Buhay ng gangsta
Lagi na lang umiinit ang aking ulo
Para bang gustong pasukin ang lahat ng gulo
Ang punlo ilalabas pag pumutok ang baril
Ang pagiging "g"sa kalsada yan ang aking papel
Ako ay laging gigil kaya't minsan napapasabak
Sa away ng iba kaya heto't napapahamak
Pero pag hinahamak umiiral na ang poot
Kundi suntok may tutumba na lang sa isang putok
Heto na ba ang sagot para masabi lang na "G"
Hindi ko to pinili pero bakit nagsisi
Ang tulad ko paano kung kunin Mo na ako,
Sino na lang ang tititngin sa mga iiwan ko?
Kaya't nagsusumamo pakinggan aking dalangin
Ag tamang daan ay ituro mo sa akin
Ng akin pang Makita ang bukang liwayway
Darating ang oras kamay ko ng kumakaway
[*]
Gusto mo ba na sumama
Sa mundo na madrama
Na may halong lungkot, saya at may kaba
Bala ang pang tubos sa sala ng iba
Ang kaligtasan sa isat-isa inasa
Yan ang buhay ng gangsta
Buhay ng gangsta
Buhay ng gangsta
Mula noong 1998 buhay ko dito na ginugol
Dose anyos ang laro sa mga lespu nagpapahabol
Naging kakaiba ang pananaw sa kaedaran
Pinagarap na lahat ng gang ay mapang ibabawan
Habang di ko inaalintana ang mga tao'y lumipas
Tumandang walang tinapos tila nagsayang ng oras
May mga tropang nangulungan at ibang di na lumutang
May mga nagbuwis ng buhay at naging pambayad utang
Ngunit tinuloy pa rin ang laban hanggang makilala
Ang pangalang OG Sacred parang mayor ng manila
Hinawakan ang corchera permanent at ugbo
Tunay na ninong ng velasquez at roxas sa tundo
Nakipagsabayan sa mga hamon, humantong man sa patayan
At walang tigil na putukan ang ganti pag nalalagasan
Ngunit isang katanungan ang naglalaro sa isip ko
Ito ba ang buhay na dapat manahin ng panganay ko