*Awit ng galit ang maririnig mo, saking damdamin
____ lang __________para sa akin
Di man lang nadama
Ang saya puro sakit
Mga mata na pikit
Lasap pa rin ang pait
[*]
Mayrong bumubulong
Sa tainga ko ang lakas
Kasabay ng pagpatak ng luha
Dama pa rin ang lahat
Hindi pah rin malimot
Ang mga nangyari
Nawari sanay hindi na ko nabuhay
Nang hindi na toh nangyari
Nasan na kaya si ama
Bakit hindi nadama
Pagmamahal pinagkait
Kahit haplos ni ina
Hanggang sa aking paa
Bigat ng aking dala
Hindi ko toh ginusto
Ang mabuhay ng mag-isa
Taglay ay galos
Hapdi dito saking katawan
Sa mabigat ko na dala
Wala akong katuwang
Mundo daw ay maluwang
Sa akin ay masikip
Ayokong ng tumingin
Ang mga matay pinikit
[*]
Mga mata na dilaw
Mga _____ na ligaw
Ang gumawa ng masama
Ang siyang aking natanaw
Pinilit kong gumalaw
Dahil gutom at uhaw
Karton lang ang tanging
Kublihan sa mundong maginaw
May nagbigay nga ng piso pero di pa sapat
Wala na yatang mabait
At masama nang lahat
Ni hindi ko nah makilala
Ang sarili kong istura
Kinakawangis ng iba ang hugis ng aking postura
Nagmistulang walang galang
Ubos na ang respeto
Dinadama ang halimuyak ng laman ng plastic labo
Ang tahanan ay kalsada
Ang pitaka ko ay lata
Walang halaga, patapon ang buhay
Ang tunay hindi naawa
Sa akin galit ang langit
Pinapadamay pasakit
Hindi nadamang sumaya
Simula ng bata
Puno ng galit
Ba't kaylngan pang ___
Mabuhay ng mag-isa
Nasan na kaya si ama, si ina
Hindi ko kilala
[*]
Hindi na kayang tumingin
Tumingala sa langit
Nasanay na sa pagkagapos
Laging tanong ay bakit
Nabuhay dito sa mundo
Na hindi ko man lang
Nakagisnan ang
Inaasam na haplos ng magulang
Manhid at di na madama
Ang bawat hapdi ng sugat
Kung may listahan ng kasalanan
Mahaba na't di masukat
Namulat ng aking mata
Sa mundo ng madilim
Binabalot na pinaliligidan
Ng mga ____ patalim
Sa dilim tumingin
Ako sa itaas
Mga kamay ay tinaas
Pusong manhid nadama
Ay galit sinubukang ibukas
Sana'y madinig ang bawat pintig
___ang laman ng bawat tibok
Wala ng mahal
Hindi na ____
Laging dasal ay matigok
Di na aagos pa ang luha
Tuyo nadilig sa lupa
____ na nga ba si bathala
Patuloy akong naniniwala
Na ang galit ay huhupa
At ang unos ay matatapos
Ako man ay makasalanan
Ngunit may awa din ang diyos
[*]