Ang bugso nitong damdamin, ang bukas na nasa akin

Dapat di maging alipin, sa unos na dulot nila.

Di na ‘ko hahamakin, at aking lilisanin

Ang lugar na madilim, dahil kasama na kita.



At di na mabigat ang krus na aking pasan

Bigla nang gumaan, merong kahulugan.

Di na mahapdi, ang pako sa kamay,

Nabuhay na muli, ang puso kong patay



Nag-iisa sa laban, walang tunay na pangalan

Dulot ay kawalan, at walang nais umintindi

Di na mangangamba, wala nang nanaisin pa

Sa bawat sandali, pananalig tumitindi



Oras nang iwanan ‘to, ika’y hinanap ko at nagtagpo

Hanggang maging abo, ito’y pangako ko

Hawak ko ang iyong kamay, sa buhay ko’y tanging gabay

Hanggang maging abo, ito’y pangako ko



Di mawawala sa isip ko

Pinapangako ko ito

Sisirain ang bawat harang

Pagsasama na walang patlang

Di pa to ang katapusan

Ako’y nakahawak sa iyong kamay

Walang pagsisising ako ay naghintay

Nakaukit sa ‘kin ang pangalan mo

Ako at ikaw hanggang maging abo



Oras nang iwanan ‘to, ika’y hinanap ko at nagtagpo

Hanggang maging abo, ito’y pangako ko

Tapos na ang paghihintay

Dahil ika’y naging tulay

Hanggang maging abo, ito’y pangako ko

Комментарии