Nakaupo ako lumalamon sila,
masasaya itong aking mga kaibigan
Abot kamay nila ang bunga ng puno
dahil balikat ko ang ginawang tuntungan
Habang namimitas lalong natatakam,
sila ay para bang wala ng kabusugan
kahit alam nilang mayrong mga langgam
at ang aking paa ang siyang inu-upakan
Nais ko ng magpahinga,
marami na kong nagawa at natulungan
Akoy labis na nag-aalala,
baka ang puno ay tuluyan ng maubusan ng bunga
Nakaupo ako nagbabantay sila,
ang mga aso koy laging maa-asahan
Hindi ko lang alam ang binabantayan,
ito bang puno o itong aking upuan
Itali ko kaya sa bahay ng langgam,
maglilingkod ba o maghahari-harian
Masasagot lamang ang malaking tanong
kapag ako ay nawala na ng tuluyan
Nais ko ng magpahinga,
marami na kong nagawa at natulungan
Akoy labis na nag-aalala,
baka itong mga aso ay maulol at magwala
Nakaupo ako naiinggit sila,
silang nais na pumalit sa aking upuan
Ayokong tumayo sa upuang ito
kahit itoy sinusurot at ina-anay
Ang upuang ito ay para sa bantay
ng punong ang ibinubungay kayamanan
Nangangamba ako kung uupo sila
baka ang puno ay lalong mapabayaan
Nais ko ng magpahinga,
marami na kong nagawa at natulungan
Akoy labis na nag-aalala,
marami ang magtutulakan makuha lang ang aking upuan

Comments