Kapag ika'y nag-iisa 
Hindi ito nangangahulugang walang pag-asa 
'Yan lamang ay pagsubok sa buhay 
										
Na iyong masasangga sa pagdaan ng araw, oh 
Tulad ng panahon 
Unti-unting mangingiti 
Sa pagdating ng iyong bukas 
Na puno ng liwanag, na puno ng liwanag 
REFRAIN 
Buksan mo ang 'yong puso 
At ang tinig ko'y pakinggan 
Nais kong iyong malaman 
Na ako'y iyong maaasahan 
La la la... 
'Wag ka nang manimbang 
'Wag ka nang malungkot 
Ang lahat sa huli ay mayroong, mayroong gantimpala 
Hah, ay mayroong gantimpala 
[Repeat REFRAIN] 
La la la...