Album: Eto Hits...Acoustic
 Muntik nang maabot ang langit
 At makupkop ka sa `king mga kamay
 Karapat-dapat nga bang mapasa akin
 Ang pag-ibig na `yong taglay
 Ilang ulit na rin na ako'y nagsumamo
 Upang ang `yong puso ay aking makamit
 Muntik nang maabot ang langit ohhhh
 Walang papantay sa `king katapatan
 Higit pa talaga sa kanilang kayamanan
 Saan nga ba ako nagkamali
 At ako ay iyong pinahirapan
 Ilang ulit na rin na ako'y nagsumamo
 Upang ang `yong puso ay aking makamit
 Muntik nang maabot ang langit
 Muntik nang maabot ang langit
 
 Ang langit sa `yong puso muntik nang mailapit
 Nguni't `kaw na ngayo'y alaalang kay pait
 Muntik nang maabot ang langit
 Oohh ang langit