Album: Kami nAPO Muna Ulit - Tribute to APO Hiking Society
 Mayroon siyang estilong kanya lamang
 Ang kanyang pagkababae ang dinadahilan
 Pagsubok sa pag-ibig walang katapusan
 'Di naman daw nagdududa, naniniguro lang
 
 Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya,
 Minamahal Ko Siya, wala nang hahanapin pa
 Kahit ano'ng sabihin ng iba, minamahal ko siya,
 Wala nang hahanapin pa
 
 'Di raw nagseselos ngunit nagbibilang
 Nang oras 'pag ako'y ginagabi
 At biglang maamo 'pag may kailangan
 'Pag nakuha na ikaw ay itatabi
 
 Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya,
 Minamahal ko siya, wala nang hahanapin pa
 Kahit ano'ng sabihin ng iba, minamahal ko siya,
 Wala nang hahanapin pa
 
 'Di magpapatalo 'pag mayroong alitan
 'Di aamin ng mali, magbabagong-isip lang
 
 Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya,
 Minamahal ko siya, wala nang hahanapin pa
 Kahit ano'ng sabihin ng iba, sinasamba ko siya,
 Minamahal ko pa, walang kaduda-duda,
 Wala nang hahanapin pa