Dito na, dito na
Dito na napalapit ang puso
Buhat nang minsan ay mapasyal
At sa nayong dati ay kaylayo
Dito na ako magtatagal
Sa haplos ng hangin mong amihan
At busilak na mga bukal
Ang sarapsarap na manirahan
Sa dampa ng iyong pagmamahal
Dito na rin magsisikhay
Dito na rin maghahasik
At kung sakaling maglalakbay
Dito at dito rin babalik
At ang damdaming nakapinid
Dito na rin maaantig
At mananahan dito sa iyong dibdi
Dito na pati ang mga labi
Ay natuto na magpahayag
At ngayon ko lamang nasasabi
Sa aking pinakaliliyag
Ang nilalaman nitong damdamin
Na laman ng bawat kong dasal
Na pag-ibig ko ay pagpalain
Sa dampa ng iyong pagmamahal
(Interlude)
At ang damdaming nakapinid
Dito na rin maaantig
At mananahan dito sa iyong dibdi
Ang nilalaman nitong damdamin
Na laman ng bawat kong dasal
Na pag-ibig ko ay pagpalain
Dito na, dito na, dito na, dito na
Dito na, dito, dito, dito na
Sa dampa ng iyong pagmamahal
Dito na, dito na