Из альбома: Samut Saring
Kung ayaw mo na sa akin
Wala akong magagawa
Hindi mo na kakailanganing
Magdadalawang salita
Kung ayaw mo na sa akin
Sabihin lang ang totoo
Para minsanan na lang ding
Luluha ang puso ko
Datirati pag ako'y nagkwento
Pumupungay ang iyong mga mata
Ngayo'y kahit original ang jokes ko
Hinding-hindi ka na natatawa
Di na tayo nanonood ng sine
O kaya'y magpusoy-dos man lang
Noo'y gustunggusto mo laging maglibre
Ngayo'y di mo na ako pinauutang
Kung ayaw mo na sa akin
Di mo na ako kinakausap
Di mo na ako inaakbayan
Namimiss ko na ang iyong mga yakap
Di mo na ako hinahalikan
Di ka na sumisipot sa usapan
Parang di mo na ako mahal
Di mo man lang yata nabalitaang
Kalalabas ko lang sa ospital
Kung ayaw mo na sa akin
Nakita kita kahapon
May kaholding-hands ka pa
Gaya rin natin noon
Nag-uumapaw ang saya
Tila napaibig ka na rin
Sa matangkad mong kasama
Di mo na napapansing
Mas guwapo ako sinta
Ngunit, kung ayaw mo na sa akin
Kung ayaw mo na sa akin
Masakit man ang totoo
Kung talagang ayaw mo na sa akin
Ayaw ko na rin sa iyo