Из альбома: Mapa 2: Mga Awit Na Magagamit Sa Panlipunang Aralin, Vol. 2
Ako ay musikerong biyaherong Japan
Tulad ng marami ring nangingibangbayan
Dahil sa saklap ng ating ekonomiya
Kailangan kong iwanan ang aking pamilya
Dahil ako ay karaniwang mamamayan
Ako ay suspetsado na sa embassy pa lang
Dami raw kasing nag-TNTing Pilipino
Hindi nila alam, sikat akong musikero
Ang aking gitara'y gawa ng Hapon
Ang aking capo, kurdon, kwerdas at microphone
Dahil kung gawang-Pinas ang iyong mabibili
Baka sa pagtugtog mo ikaw ay makuryente
Sa tulong ng ahensya ako ay nakalabas
Kahit kalahati ng kita ko'y nakaltas
At ang tangi kong sa inyo'y maibibida
Lahat ng bagay sa Japan pawang magaganda
Naroon ang ating magagandang sugpo
Naroon ang ating magagandang puno
Magagandang saging at magagandang pinya
Pati na ang ating magagandang Pilipina
Dahil sa lungkot ako'y hindi nakatagal
Dagliang umuwi sa bayan kong minamahal
Di pa man ako nakalabas sa terminal
Nadugas na ng isang naka-unipormeng opisyal
Nang buksan ko ang made in Japan kong TV
Nagtalumpati ang mahal na presidente
Siya'y tuwangtuwa sa maunlad na ugnayan
Ng ating bansa't mga bansang mayayaman
Kaya kung iikutin ang buong Pilipinas
Ang ating likasyama'y tuluyang naaagnas
Mula sa Appari, Jolo, hanggang sa Palawan
Sabaysabay tayong lahat: Mabuhay ang Japan!