Hayaan mo akong humayo at mangalap
Umani nang umani ng karanasan
Hayaan mo akong magsilang at mangarap
Mag-ipon nang mag-ipon ng kaarawan
Hayaan mo akong
Tumandang kasabay ang mga puno
Tumanda sa ugma ng alon
Tumanda ang isipan at puso
Tumanda't mahinog sa panahon
Hayaan mo akong dinggin ang mga awit
At mga tula ng buong mundo
Hayaan mo akong dumanas ng pag-ibig
Ng pagwawagi at ng pagkabigo
Hayaan mo akong
Tumanda't maglinang ng pag-asa
Tumandang hindi nag-iisa
Tumanda't matutong makibaka
At makikipamuhay sa iba
Hayaan mo, hayaan mo ako
Hayaan mo, hayaan mo ako
Hayaan mo, hayaan mo ako
Hayaan mo
Hayaan mo akong subukin at subukan
Upang lutasin ang mga bugtong
Hayaan mo akong hanapin at hanapan
Upang tuklasin ang mga tanong
Hayaan mo, hayaan mo ako
Hayaan mo, hayaan mo ako
Hayaan mo, hayaan mo ako
Hayaan mong
Tumandang kasabay ang mga puno
Tumanda sa ugma ng alon
Tumanda ang isipan at puso
Tumanda't mahinog sa panahon